10 Practical TIPS to fight Depression and Sadness Onboard

10 Practical TIPS to fight Depression and Sadness Onboard
depressed human sitted on a table

Depression is a disorder that is evidenced by excessive sadness, homesickness, loss of interest, and low motivation onboard. Pag depress ka sa barko, apektado lahat ng galaw mo. Nababawasan energy mo, nawawala ka sa focus, nawawala gana mo, at gusto mo tahimik nalang at magkulong. Basahin mo ang mga TIPS para labanan ang DEPRESSION sa barko.

1. Huwag magkulong sa KABINA

Pag inaatake ka ng depression and sadness sa barko, i acknowledge mo agad na may ganyan kang nararamdaman. Pilitin mo na labanan! At huwag magpadala agad sa emotion. Lumabas ka sa kabina mo, magpaka busy ka sa hilig mo or maghanap ka ng makakausap. Kung online ka, MESSAGE DIRECTLY sa page ni KUYA SEAD at tutulungan ka namin.

2. I control ang paggamit ng SOCIAL MEDIA lalo na ang Facebook

depressed human using cellphone

Isang malaking rason ang nakikita mo sa social media sa depression mo. Lalo na pag may nakikita kang posts na di mo gusto. Maaring post ng ex mo na may kasamang iba, mga nakaka asar at nakakainis na post ng kaibigan mo, or mga nakaka inggit na happenings at events sa Pilipinas. Para mabawasan ang effect nito sayo, it is advisable to unfollow that page or person. Unfollow lang, huwag I unfriend pero depende parin sayo.

3. Be POSITIVE pagka gising sa umaga

Subukan mo pag gising sa umaga, harap ka sa salamin at sabihin mong “Magiging okay ang araw nato at productive ako. Magiging safe ako at happy ako sa trabaho”. Magpatugtog ka ng upbeat songs or masasayang music. Think of positive thoughts para bitbit mo yan sa buong araw mo. Paglabas mo ng Kabina, I greet at kumustahin mo ang makakasalubong mo. Ngitian mo sila kasi baka ang ngiti mo ang isa sa rason para gumaan rin ang araw nila at mabawasan din ang depression na dinadala mo. Blessings in disguise kapa sa kanila.

4. Pilitin MAGPAHINGA or MATULOG ng maaga

In reality, hirap tayo matulog sa barko. Minsan dahil sa sobrang pag fafacebook or other social media, minsan mahirap lang talaga makatulog. Minsan dahil sa panahon or ingay sa labas ng kabina. Pero kung ugaliin mo na humiga ng maaga at magpapaantok ka (read boring books), makakatulog ka ng maayos at malaking effect yan sa katawan mo para bukas maganda gising mo. Pag kulang ka kasi sa tulog, minsan mainit ulo mo at balisa ka.

5. Maglagay ng NOTES at To do Lists

Subukan mo malagay ng mga personal notes sa kabina or sa salamin sa CR mo, mga messages na magpapa motivate sayo like “Iphone 11 Pro pag uwi ko”, kidding only. Motivational Notes like “Ang swerte ko nasa barko ako”, “Pag uwi ko bibili ako ng Lupa”, More investments pag uwi ko” or any other motivational messages na pampagana and pampa uplift ng araw mo. Sanayan lang yan sa paglagay ng notes hanggang sa magiging habit mo na sya.

6. Don’t THINK TOO MUCH at maging NEGA

Madami satin ang grabe at wagas kung makapag isip ng nega sa buhay lalo na sa mga may JOWA. Baka pinagpalit kana or may kasama na syang iba or worst naka online sya pero iba na pala ka chat. Ano ba tong nasa isip ko. Hoy! Babae lang yan. Di joke lang! Lalo na pag napagalitan ka or nagkamali ka sa ginagawa mo, karamihan sa atin dinidibdib kaaagad. At ang dami mo kaagad naiisip ng mga negative sa buhay. Kaya na dedepress ka lalo.

7. Ingatan ang HEALTH at DIET sa barko

I control mo ang pagkain mo, huwag sumobra, di nauubos ang pagkain sa barko! Malaking effect ang diet at health condition sa depression mo. Subukan mo mag exercise and mag meditate sa barko. Mag iiba aura mo at feelings mo. Kasi may mga tao na pag depress, food trip agad ang gamot. Parang stress eating lang sya. Less effective yan sa paglaban mo ng depression.

8. Iwasan mag LAKLAK ng ALAK

Common sa halos lahat ng seaman na pag depress, alak agad ang sagot sa problema. Naghahanap ng kainuman or nag iinom mag isa sa kabina. Para daw makalimutan saglit sa problema at pampatulog nila. Tapos kinabukas pag gising, ganun padin naman. Andyan padin ang depression. Imbis na tulungan mo sarili mo, mas lalo mo lang sinisira ang health condition mo. Tandaan, malaking epekto ang alak sa mind conditioning mo at sa depression mo.

9. Magdasal dahil walang IMPOSIBLE sa PRAYERS

Pag inaatake ka ng depression, huwag kalimutang magdasal at kausapin ang panginoon. Uu, tao lang tayo at minsan marurupok tayo sa pagsubok at mga hamon ng buhay. Pero tandaan na laging may diyos na nakikinig at nakakakita ng pinagdadaanan natin basta marunong ka lang tumawag at manalangin sa kanya.

10. TALK and JOIN an ONLINE SUPPORT GROUP

Isa sa pinaka effective na paraan para mabawasan at labanan ang depression ay ang support group or yung may makausap ka. Lalo na ngayon sa social media, mabilis ang paraan na makahanap ka ng mapagsasabihan or masusumbungan ng mga hinanaing mo at problema sa barko basta pumili ka lang ng matinong kausap. Kaya nilunsad ang #PROJECTSISEAD, kung saan bubuo kami ng mga volunteers na tutulong na sasagot at aalalay sa mga katanungan nyo sa barko at mga problema nyo sa depression at sadness. JUST MESSAGE DIRECTLY sa page ni KUYA SEAD at tutugunan namin ang problema or katanungan nyo. Makaka asa kayong ANONYMOUS or di ipupublic ang identity nyo at problema nyo.

%d bloggers like this: