10 SAFE TIPS to report KUPAL and ABUSADO sa BARKO.

10 SAFE TIPS to report KUPAL and ABUSADO sa BARKO

SAFE TIPS to report KUPAL and ABUSADO sa BARKO
Photo: Simulation of Bosun attacking an OS.

SAFE TIPS to report KUPAL and ABUSADO sa BARKO:

Takot ka ba mag report sa mga KUPAL at ABUSADO sa barko baka ikaw pa mapasama at mapauwi? Or baka kahit anong report mo wala padin action ang opisina nyo? Basahin ang mga personal TIPS ko.

1. Sa barko, may naka post na numbers at email, usually sa mga Designated Person Ashore (DPA) or MLC Designated Shore persons na pwede nyo ma contact. Pwede nyo sila sumbungan. Save nyo sa Contacts nyo para madaling hanapin. Huwag picture, matatabunan lang yan ng panibagong pictures nyo.

2. Sa International, may mga Open Reporting System kayo or Whistleblow System. Pwede kayo magsumbing dun. Anonymous reporting naman yan. Tsaka meron kayo nakapost nyan sa barko. Gamitin nyo yan pag worst comes to worst. Kaya dapat alamin nyo yan.

3. Pag minanaltrato kayo at inaabuso, simplehan nyo kunan nyo ng video or record nyo sa phone para may ebidensya or proof kayo. TIPS? Ilagay nyo sa shortcut key ang camera at record function ng phone nyo para sa mabilisang aksyon.

4. Sa barko, Domestic or International, may Grievance Machinery procedure kayo dahil requirement yan ng MLC 2006. Meaning? procedure ito kung paano mag report if may nag maltrato sayo or kaalitan sa barko. Alamin at basahin nyo to. https://www.ilo.org/global/standards/maritime-labour-convention/what-it-does/WCMS_219665/lang–en/index.htm

5. Pag di padin inaksyonan sa barko reklamo nyo, lalo na sa domestic kasi minsan mas prinotektahan pa nila mga opisyal nila na KUPAL kesa mga minamaltrato na kadete at crew. Kung pati taga opisina nyo, KUPAL din at di ina aksyonan, gumawa kayo dummy acount sa FB then i message nyo sila na kung di sila aaction, ipost nyo ang EBIDENSYA sa pag maltrato sa tao. At sabihin nyo isumbong nyo sila sa POEA, OWWA, DOLE at MARINA. Malamang matakot yan! Takutan lang yan para matauhan sila.

6. Pag medyo malala na ang sitwasyon at di padin sila umakasyon, pwede nyo i report ang agency na yan sa POEA (Telephone No: (02) 722-1189 or send an email message to their email address at [email protected]) or sa OWWA under DOLE sa HOTLINE 1348 na open 24/7 dahil dyan under ang MLC. If outside country ka, ito naman (02) 1348 and 0632-1348. Pwede din sa MARINA legal service, isumbong nyo ang barko nila.

7. Pag di padin ginawan ng action ng nasa No. 6. ang mandate sa kanila na tumulong. Isumbong nyo sa TULFO or Sa Citizen’s Complaint HOTLINE na 8888. Or kung wala talaga silang action, bulabugin nyo sila sa Social Media.

8. Pwede din kayo gumawa ng Open Letter pero naka hide identity nyo. Ikwento nyo buong pangyayari with proof. Then send nyo sa mga reliable maritime facebook page para ma post nila Pwede nyo rin send sa page ko. Para safe kayo, use Dummy Account.

9. Alam naman natin na may complaint procedure ang opisina nyo. Pero minsan kasi, mas inuuna nila protektahan pangalan nila kesa kapakanan ng mga na agrabyado na Seaman. Or worse, wala silang pakialam sa mga Reklamo nyo. Business as usual! Realtalk lang tayo dito. Siguro di lahat pero kadalasan!

10. Sabi nila, di effective ang reklamo kung di magpapakila ang nagsumbong. Di lahat may bayag magsumbong at di lahat matapang kasi kahit sino may takot at kanya kanyang rason. Pero kung kaya mong panindigan, be BRAVE enough na magsumbong personally with your details.

Disclaimer: Personal TIPS lang to at maaring di applicable sayo or may mas effective pa kayo dito. Kung takot ka huwag mo gawin. Pero kung inaabuso kana talaga, ikaw na bahala! Play your game wisely!

%d bloggers like this: