8 REASONS bakit maraming SEAMAN ang nahihirapan makasakay?

8 REASONS bakit maraming SEAMAN ang nahihirapan makasakay?

8 REASONS bakit maraming SEAMAN ang nahihirapan makasakay?

Bakit maraming SEAMAN ang nahihirapan makasakay?:

Photo: Utility cadets at Kalaw taking their rest after a full day of looking for possible crew.

“Eh kasi Sir, naghahanap sila nag BACKER at Recommendation? Basahin hangggang dulo para mas maintindihan mo.

Ipagpalagay natin na nabigyan ka ng CHANCE na maka exam sa company, Sige, basahin mo lang hanggang dulo. Kung may BACKER ka, Basahin mo padin.

Hindi ako naniniwala sa pa swertihan sa pag apply. Nasa tamang diskarte yan at pag assess sa sarili mo, kung bakit hindi ka natanggap, anong kulang mo, at bakit parang malas ka. Eh kahit nga yung may BACKER minsan hirap din makasakay at maka pwesto? Bakit kaya? Basahin mo lang.nasa baba na.

1.Hindi lahat ng may BACKER ay pinalad na makasakay agad. Yung iba may BACKER na nga, pero sadyang di nila iniingatan ang pribiilihyo at masyadong kampante. Ang resulta, nawalan ng line up kasi abusado sa katawan, pa VIP at asang asa na sureball na ang sakay nya. Bilog ang mundo, Kabaro! Kaya kung may BACKER ka at nakapasok na, INGATAN mo yang biyaya nayan. Daming palaboy laboy sa KALAW naghahanap ng ma aapplyan.

2. Pag nag apply ka, siguraduhin mong ready ka, nag review ka, maayos pananamit mo, pormal, plantsado, snappy ka dapat kasi First Impression Last yan. At yung physical at mental health, dapat ready ka. Nabigyan ka nga ng chance na maka exam sa company, di ka naman nag aral, eh di bagsak ka at nganga. No. 2 palang tayo, kaya BASAHIN hanggang dulo para mas maintindihan pa.

3. Kung first time mag apply, huwag muna mamili, enjoy the process sa pag apply. Kahit ang napapasukan mo ay hindi kilala at mag utility ka muna, tiis lang, yan ang normal process. Huwag masyadong mataas ang lipad, start tayo sa baba. Okay? Yung iba nga nagtiis sa init sap ag apply sa kalaw, at nag utility ng 3 years pero nakasakay din naman. Makakasakay ka din! Sa propesyon natin, matutong magtiis at habaan ang pasensya para READY kana pag nasa barko ka. Madami pa ako TIPS sa baba kaya BASA lang.

4. Ang iba sumasabit sa Interview? Bakit? Kasi pag sumasagot di totoo sa sarili at puro memorize. Be natural. Be real. Mas nakikita ng recruitment ang sincerity mo na makapasok kesa magpabilib ka. Kaya tuloy utal utal ka pag sumagot. TIPS? Manuod sa Youtube paano sumagot sa interview, magtanong, mag advance research, mag practice sa interview sa tropa mo or sa sarli. Harap sa salamin, tingnan ang sarili paano sumagot. Yan best TIPS ko.


Extra Tips: Just incase, hirap ka talaga sa interview or sa pag English, talk to the interviewer wholeheartedly na if pwede mag tagalog ka nalang para maka express ka ng maayos at masagot mo ang tanong. Maintindihan nila yan. Swear! Pakatotoo nga di ba? At ipakita mo na willing ka maging part ng company at mag improve sa sarili. At pakiusapan mo sila na bigyan ka ng chance na maging asset ng company nila at maging officer someday. Pwede yun! Basta be sincere. Trust me! Tao din yan, may damdamin. Kunti nalang, BASAHIN pa para sa maraming TIPS sa baba.

5. Pag nag utlity kana, ipakita mo sa opisina ang totoong sipag mo, effort, pagiging totoo, mataas respeto at pakisama, at greet everyone with smile. Huwag peteks sa trabaho at tago ng tago. Magiging habit mo yang negative attitude mo. Sanayin mo sarili mo na magsipag at totoo sa sarili kasi kung ano ka dito sa lupa, for sure ganyan din ugali mo sa barko.

6. Ang iba nahirapan makasakay dahil sa health problem at age. Kaya Kabaro, sa pagbabarko good health ang puhunan natin, kaya sana huwag abusuhin ang katawan, kumain sa tamang oras, less karne, puro gulay, exercise. Huwag manigarilyo kung pwede, at drink moderately. Iwas sa maaasin, mga pancit canton, sardinas, etc. Alam ko nagtitipid kayo pero isipin nyo din ang epekto sa katawan nyo. Magbabarko tayo kabaro, Health is our No. 1 priority. Alam nyo naman ikakasabit nyo yan, ginagawa nyo padin. Kaya tuloy hirap kayo makasakay, kaya na dedelay kayo hanggang sa tumanda na kayo. Please lang, ingatan nyo ang sarili nyo and achieve a GOOD HEALTH!
Last nalang, kunting TIIS pa sa PAGBASA. Thank you!

7. Ang iba kulang sa reference sa pag AAPPLY. Kabaro, mag pa SHARE it or DOWNLOAD ka ng SEAGULL Assistant na APP, humingi ka sa mga kilala mo ng mga reviewers sa lahat ng klase ng CES. Mag join sa mga facebook group para humingi ng advice, tulong at support. Diskarte lang yan. Meron at merong tutulong sayo. Kaya dapat ihanda mo sarili mo sa pag apply. Di ba gusto mo ng company? Eh di mag aral ka at effort. Ganun lang yun!

8. Bakit nahihirapan ang iba mag apply? Kasi mahina ang loob! Kasi mahiyain! Kasi pinapangunahan agad ng what if! Kasi walang kasama mag apply! Kasi BACKER system agad iniisip! Kasi walang budget! Kasi di alam saan mag apply! Kasi di alam ang pupuntahan! Kasi tinatamad ka lang! Kung isa sa rason mo andyan sa mga sinasabi ko, walang mangyayari sayo. Tanggalin mo lahat ng KASI para atleast malaki ang chance mo na makahanap ng COMPANY at makasakay ng BARKO!

Ulitin ko, hindi ako naniniwala sa swerte at malas. Kasi, Kabaro, kung saan ka ngayon, kung sino ka ngayon, ginusto mo yan. Kaya gustuhin mo by all means na maka apply at makasakay ka. Pag gusto may paraan, di ba?

Kaya sa mga nag aaral palang, sa mga kadete, mag aral ng Mabuti para di kayo matulad sa mga maraming tambay sa KALAW. Tsaka, siguraduhin nyong ka aya aya ang grades nyo, mag exam sa mga schools para may sponsors kayo, maghanap ng Cadet Program, prepare yourself habang nasa school pa kayo. Kasi pag skol bokol kayo sa college, sorry not sorry pero pagsisihan nyo nalang yan pag nag apply na kayo.

PLEASE SHARE THIS ARTICLE! Nakakapagod mag isip at mag TYPE. Just kidding! Please SHARE! Salamat!

Bakit maraming SEAMAN ang nahihirapan makasakay, Bakit maraming SEAMAN ang nahihirapan makasakay, Bakit maraming SEAMAN ang nahihirapan makasakay, Bakit maraming SEAMAN ang nahihirapan makasakay, Bakit maraming SEAMAN ang nahihirapan makasakay, Bakit maraming SEAMAN ang nahihirapan makasakay, Bakit maraming SEAMAN ang nahihirapan makasakay, Bakit maraming SEAMAN ang nahihirapan makasakay, Bakit maraming SEAMAN ang nahihirapan makasakay, Bakit maraming SEAMAN ang nahihirapan makasakay, Bakit maraming SEAMAN ang nahihirapan makasakay, Bakit maraming SEAMAN ang nahihirapan makasakay, Bakit maraming SEAMAN ang nahihirapan makasakay, Bakit maraming SEAMAN ang nahihirapan makasakay

%d bloggers like this: