A SAD STORY-Galing sa taong ginawa lahat para sayo.

A SAD STORY-Galing sa taong ginawa lahat para sayo
A SAD STORY-Galing sa taong ginawa lahat para sayo

A SAD STORY-Galing sa taong ginawa lahat para sayo:

By: Seamanunulat | December 21, 2018


*Wag basahin kung mababaw lang ang luha.

Nagkayayaan.. napag-usapan na pag-uusapan ang hindi pagkakaintindihan. Ninais na malinawan sa malabong sitwasyon, at kung bakit nagka-ganoon, gayung ang tanging nais lamang ay makasama ang isa’t isa hanggang sa dulo ng panahon.

Nagkita. Nagkangitian. Masaya ‘kong makita ka pero tila ba may bahid na ng sakit, pilit na Ikinukubli ang pait na nadarama sa likod ng mga magagandang ngiti gayon narin sa pagbati.

‘Kumusta ka’ yan ang unang sambit mo. Isang klase ng tanong na ‘di ko mapagtanto. Sabi nga nila diba, ‘wala namang taong umaamin na hindi sila okay’. Pero sa pagkakataong ito, kahit pa man sabihin ko sayong ‘okay lang ako’ ay hindi kayang itago ng mga mata ko ang katotohonang nasasaktan ako. Masakit. Kung pwede lang maglaho, kung pwede lang gumuho, kung pwede lang sana kitang kalimutan pati ang lahat ng ala-ala na iyong iniwan – kung pwede lang. Kaso humarap ako, alang-alang sa pinagsamahan, alang-ala sa lahat ng pinagdaanan, alang-alang sa pagkakaibigan. Kasi bago pa man ang lahat ng luha at saya ay pagkakaibigan muna ang nabuo diba? Pagkakaibigang ngayon ay nanganganib na maglaho nadin sapagkat sinubukang umibig na may halong pagbabakasali na sana ikaw na nga at sana rin ay ako na ang taong nilaan para sa isa’t isa.

Nag-usap. Nagkwentuhan. Binabalik tanaw ang masasayang ala-ala ng kahapon hanggang sa kasalukuyan. Nung mga panahong masaya at masasabi ko pang buo pa yung puso ko at ikaw ang kumukumpleto ng buhay ko. Nung mga panahong sobrang tawang-tawa ako kahit sa mga walang kwentang patawa mo. Nung mga panahong naniwala ako na tayo hanggang huli, na tayo hanggang dulo, na walang makakapigil sa damdaming naglalagablab. Ngunit, syempre, saan pa papatungo yung usapan kung hindi din naman sa rason kung bakit kailangan tayong may pag-usapan. Tumigil ang mundo, parang ang tahimik ng kapaligiran, yung tipong marinig ko lang yung rason ng lahat ng mga bakit ay wala na ako sa kanilang pakialam. Nagkwento ka, nagpaliwanag, pilit kong nilulunok ang lahat ng mga rason mo kahit di ko kayang sikmurain. Kahit nasusuka ako sa lahat ng mga karumal-dumal na dahilan mo’y pilit ko paring inuunawa, kasi yun yung sinabi mo, kesa naman wala, at maiiwan nanaman akong nakatunganga na naghahanap ng sagot sa lahat ng mga nakatenggang akala.

—————————————–
Ako: Alam mo ba nung mga panahong iniwan ka ng kasintahan mo at kinuwento mo sakin yun, pakiramdam ko nun ansama at ang tanga ng ex mo, bakit niya sinayang ang isang katulad mo? Papaano niya nagawang palagpasin ang isang kagaya mo.

Siya: Kaya nga eh, tapos niloko lang kita. Wala akong kwenta, diba?

Tahimik. Biglang nagkaroon ng katahimikan. Sa sobrang tahimik ay tila ba naririnig ko na ang mga luhang pumapatak sa ating mga mata. Mga luhang nagsasabing ‘Mahal kita pero masakit na’. Pero mahal padin kita. 😞

Siya: Bakit?

Ako: Anung bakit?

Siya: Bakit gusto mo padin kahit niloko na kita? Bakit sa kabila ng sakit na idinulot ko sayo, alam naman nating parehas na sobrang sama ng ginawa ko, pero bakit gusto mo padin ako?

Ako: Kasi mahal kita….

———————————————
At tumigil ang mundo…. Isang salitang kayang tumapos sa lahat ng mga pangungusap at kaya ring mas lalong pahirapan ang mga pusong hirap na hirap na. Na mas gugustuhin mo nalang marinig ang kabaliktiran para isang sakit nalang.

Hindi ko kinaya. Lahat ng luha ay nagkusang pumatak. Nilalamon ng pait at sakit ang bawat bahagi ng aking katawan. Gusto kong isigaw ang pangalan mo. Gusto kong sabihing sa kabila ng lahat ng ginawa mo ay heto parin ako para sayo. Pero alam naman natin parehas na hindi yan ang totoong pagmamahal. At kailangan muna nating hanapin ulit ang ating mga sarili.

At eto na nga, magsisimula nanaman tayo ulit sa umpisa… Ayoko na. 😔

-Galing sa taong ginawa lahat para sayo.

#StoriesFromTheDeepSeas

%d bloggers like this: