“Muntik na akong tumalon sa dagat”- A TRUE story of Depression onboard ship.

Muntik na akong tumalon sa dagat”- A TRUE story of Depression onboard ship

Dear Kuya Sead,

Unang kontrata ko to sa barko pero sa tingin ko di ko kayang tapusin ang kontrata ko. Ang hirap ng wala kang mapagsabihan, walang masasandalan, walang maituring na kakampi sa barko. Gulong gulong na ako at medyo mabigat napo ang dinadala ko.

1 month palang ako sa barko pero puro sigaw at galit na ang natatanggap ko sa mga opisyal at sa kapwa ko deck crew. Masama po ba ang magtanong? Bat sigaw agad inaabot ko? Uu minsan makakalimutin ako pero di ba pwedeng magkamali at matuto sa kamalian?Ang hirap kung kapwa mo Pilipino pa minsan ang nang dodown sayo. Porket ba ako ang nasa mababa, ganyan ba dapat trato nila sa akin? Minsan naisip ko parang gusto nilang gumanti sa mga mapait na karanasan nila sa barko. At ako ang napag initan nila at sakin binuhos ang sama ng loob nila sa pagbabarko? Tama po ba to? Ang dami ko pong katanungan sa sarili ko.

Pag nasa bridge din po ako, gusto ng mga opisyal ko alam ko kaagad lahat ng mga gawain sa taas. Kaya todo aral ako kasi kunting tanong ko lang sasabihin agad sayo na “Di mo ba alam yan? Di ba yan tinuro sa school? Sabay pagtatawanan ka pa nila. Kinikimkim ko po lahat ng mga sinabi nila kasi iniisip ko po na baka way nila ito para mag aral pa ako ng mabuti or china-challenge lang ako. Tsaka, syempre iniisip ko po ang pamilya ko kung mapapauwi ako. Ang hirap po ng kalagayan ko dito.

Di ko po alam kung saan ako minsan lulugar, pag may nagawa ka pong tama, kino question ka po kung talagang tama ba, yung tipong ayaw nilang magkaroon ka ng tamang nagawa, yung feeling ko na parang inggit sila at ayaw nilang malamangan. Pero pag nagkamali ka po, parang buong kasalanan sa mundo pag mamay ari mo na. Gusto kong mag speak out pero mahirap po, baka mapagalitan ako at sabihing sumasagot ako. Gusto ko mag open ng suggestion pero natatakot ako baka mas lalo pa ako mapasama. Kaya mas lalo ako nadedepress sa barko.

Nakikisabay at nakikihalubilo naman po ako sa mga kasamahan ko sa barko kahit di ko trip masyado ang umiinom pero para sa pakikisama ginagawa ko po. Yung para bang maliit na mali mo, nililista nila at tinatandaan pero di nila na appreciate lahat ng efforts mo at tulong na nagawa lalo na pag nabulyaso sila. Nasanay na nga po ako na laging sakin ang sisi kahit di ko naman kasalanan.

Pag nasa kabina na po ako, dami ko pong iniisip kung ano paba ang gagawin ko para pakisamahan sila at mag improve sa pagbabarko ko. Minsan di ako nakaktulog sa kakaisip, minsan balisa ako, minsan kunting kalabog lang sa labas ng pinto ko, nagigising ako agad. Na para bang takot at may trauma sa mga ginagawa nila sa akin.

Isang araw, habang nangangatok kami sa kubyerta, bigla akong sinigawan ng Chief Mate ko kasi bakit daw ako nandun sa deck eh may utos daw sya sakin na iba. Eh yun naman po last na job order nya sakin at binanggit nya naman din during toolbox meeting. Kaya minsan di ko po talaga alam kung saan ako lulugar at kung aling utos ang susundin ko po. Tapos sinumbong nya agad ko kay Kapitan na di daw po ako sumusunod sa utos nya. Kaya mas lalo nasira imahe ko kay Kapitan.

Simula nun, di na ako pina duty sa Bridge at puro sa kubyerta nalang ako, ang duty ko po na bago ay simula 6AM hanggang 6PM po. Dati ang normal na duty ko po ay 8-5pm. Alam ko po na sobra sobra ang oras ng trabaho ko pero di na po ako nagrereklamo kasi kaya ko pa naman po. Kaya pa naman ng katawan ko kasi sanay naman ako sa gawaing bahay. Ngayon po mas lalo ako nahihirapan sa kalagayan ko kasi, may kumakalat na kwento sa barko na panay paninira sakin, na di daw ako marunong sa trabaho, sinungaling daw ako, puro daw ako bulyaso sa trabaho. Kaya pansin ko ilang yung ibang kasamahan ko sa akin maliban lang talaga dun sa mga kasamahan ko na kilala nila ang trabaho ko at kung paano ako mag trabaho.

Sumulat po ako sa inyo kasi di ko alam kung hanggang saan kaya ng pag iisip ko at pakikisama ko sa kanila. Sobrang depress na depress napo ako. Minsan nga naisip ko ng tumalon nalang sa dagat para matapos na paghihirap ko dito sa barko. Di napo ako nakatulog ng maayos sa kakaisip. Di ko po alam kung ano pa ang gagawin ko. Di rin ako pwede magsumbong sa parents ko kasi baka mag alala naman sila ng sobra. Di din ako pwede mag post sa Social media ng mga hinaing ko baka mas lalo ako pag initan at mapapasama. Pag nag kwento ka sa mga kaibigan mo sasabihin lang din sayo na “Okay lang yan, parte yan ng pagbabarko” Wala akong mahanap na magpasasabihan at kakampi. Ganito ba talaga ang pagbabarko? Ganito ba talaga dapat ang trato nila sa kapwa Pilipino?

Gusto ko pa sana matapos ang kontrata ko pero nahihirapan na po ako. Sobrang lungkot ko sa barko at depress na depress po ako. Opo, nagdarasala naman ako pero tao lang din po ako eh. Sana po magsilbing aral ang kwento ko sa mga nahihirapan sa pagbabarko. Lalaban ako hanggat kaya ko pa. Maraming Salamat po.

Btw, isa po akong deck cadet at ako ang bread winner sa family namin kaya kakayanin ko dapat ang mga pagsubok sa barko. Salamat po Kuya Sead. God bless po sayo.

%d bloggers like this: