“BAKLA, PERO HINDI BASTA BAKLA LANG”

HINDI BASTA BAKLA LANG
HINDI BASTA BAKLA LANG

Hindi basta bakla lang:

Nasa kultura at pananaw ng Pinoy na kapag sinabing “Bakla,” kailangan malambot, galaw babae (o vavaihan) at mahinhin. Pero, medyo naiba lang siguro ako ng landas.

Nag-aral ako sa pinaka-prestihiyosong pamantasan para sa mga marino, at aaminin ko na hindi ko naman gusto ang kurso ng Marine Engineering. Mas gusto ko sana kumuha ng abogasya, isang pangarap ko mula bata pa. Subalit, iniisip ko ang tatay ko.

Ang tatay ko ay isang enlisted personnel ng Philippine Navy na nagtrabaho bilang SST Instructor sa MAAP. At siguro, gaya ng karamihan na nakakaalam nitong kuwento ko, mapapatanong ka, “Alam ba ng tatay mo, at pinapagmalupitan ka ba niya?” Oo, alam niya, simula bata pa ako, at hindi, hindi nya ako pinagbuhatan ng kamay kahit kailan. At, bilang pasasalamat ko sa kanya, ako ay nag-aral sa MAAP.

Pero syempre, hindi naging madali ang pagsisimula ng aking paglalayag. May mga panahon na naiiyak ako. May mga panahon na ginusto ko nang sumuko. Ngunit, may dalawa akong prinsipyo na pinanghahawakan; Una, maging totoo ako sa sarili ko, kahit ano man ang mangyari. Pangalawa, hinding-hindi ko gagawin na ang sekswalidad ko lamang ang maging aspeto ng aking personalidad, kundi papatunayan ko na isa din akong myembro ng aming klase.

Madaming nailang sa akin nung una pa lamang kasi umamin na agad ako. Medyo kontrobersyal nga kasi basta may magtanong, hindi ko na ipagkakaila. Hindi naman talaga maiiwasan yun kasi magkakasama kayo sa isang barracks. Paano ko nakuha ang respeto nila? Be one of them. Ayun. Hindi ko pinaramdam sa kanila na dapat silang mailang sa akin, dahil gusto ko iparamdam sa mga classmate ko na isa akong kaibigan. Tropa tropa kumbaga.

At gumana ito. Madami akong naging kaibigan, at nirespeto ko lahat ng classmates ko. Ayun ang susi, Respect begets Respect.

Ganun din nung pagdating ng aking Cadetship Training sa aking kumpanya. Pinakita ko na hindi lamang ako isang bading, kundi isang aktibo, tropa, at bibong kadete na kayang pakisamahan sila, na kayang makipagsabayan gaano man kabigat ang bubuhatin at gaano man kalakas ang alon na humampas.

Ngayong ako’y graduate na, madami na ang nagchachat sa aking Facebook na pawang miyembro din ng LGBT kung paano ko daw ba nagawa ito. Simple lang, ang keyword is respect.

Unang-una, irespeto mo sarili mo. Wag kang gagawa ng mga bagay na ikakasama mo. Pangalawa, irespeto mo sila. Irespeto mo lahat ng makakasama mo. At pangatlo, kunin mo ang respeto nila. Patunayan mo sarili mo, hindi lang bilang isang bakla, kundi isang produktibong myembro ng industriyang pang-dagat.

As a final word, in a language I am more comfortable with. Never ever make your sexuality and gender the only interesting thing about you. That’s bland. Good personality works like a charm, coupled with the desire to get along with everyone, you will certainly make it through any goal. And, the battle is half over, this time, I will prove myself to the Maritime Industry.

Bago ko tapusin ito, gusto kong magpasalamat sa mga naging inspirasyon ko, ang pamilya ko, sila mama at papa, ate Derlyn, ate Deria at kay Dhey. 

Kay Madam 2/E Aljon Buquid Asusano, a.k.a. Dyosa Makinista, for being such an inspiration to all the LGBT community who chose to be in the Maritime Industry. 

To my shipping company, Cordial Shipping Inc. To my friends and my classmates. And I, thank you. . . 

Rolando B Meneses Jr. 
MAAP, Class of 2018

ACHIEVEMENTS:

Editor-in-Chief of the Kamaya Point Magazine

Consistent Dean’s Lister and Host to MAAP Events

Featured in a wide-circulation magazine dedicated to the LGBT community in the Philippines, the TEAM magazine

1st Runner Up National Maritime Week 2015 Extemporaneous Public Speaking Contest

Finalist of the 2016 Raul Roco Cup Debating Competition (Held in Naga City)

Finalist of the 2016 Philippine Inter-Academy Debate Activity, (along with the Philippine National Police Academy)

Authored a study assessing the condition of seas on Mariveles, Bataan for Recreational Bathing, earning a 1.00 grade on Research, supported by the local government and subsidized by MAAP, and was chosen as the representative to the Central Luzon Health Research Forum 2017

 

%d bloggers like this: