Crew Change: Natulog ng excited, gumising ng frustrated

Isa sa problema ng mga seafarers ngayon ay ang crew change at marami ang apektado dito. Hindi lang yung mga nasa lupa na gusto ng sumampa pero mas lalo na yung mga nasa barko na tapos na at lampas na ang kontrata nila pero di padin makauwi dahil sa problema sa crew change.

Kamakailan lang, nakatanggap ako ng message from my facebook page na nag share ng kanyang saloobin at emotion sa kanyang experience. Narito ang kanyang mensahe.

kuya sead. Good day

Share ko lang nararamdaman ko ngayon kuya sead. Kasi sobrang lungkot ko.

Natulog ng Excited, Gumising ng Frustrated On-bard ako ngayon kuya Sead. 1 year and 2 weeks na ko dito sa barko. Ready na ang lahat dahil uwi ko na sana kanina. Halos hindi na ako makatulog kagabi sa sobrang excitement. Naka empake na ko lahat lahat. Pati kabina ng papalit sakin naka ayos na. Pag gising ko biglang sinabi na hindi na daw tuloy. (Dahil daw sa Authority dito sa puerto namin). Pero yung mga puti na kasamahan namin nakauwi at nagawan ng paraan. Bakit kapag Pinoy ang bilis i give up ng situation.? Alam ko na kapag Pinoy seafarers ka likas na sa atin yung “MAINTINDIHIN at MAPAGPASENSYA”. Kaso may hangganan din pala lahat kuya sead. Ang pinakamasakit is another 3 or 2 months nanaman dahil hindi convinient port yung discharging area ng kargada namin. I know its easy to say na MORE MONEY kaso 1 year na mahigit kuya sead wala na sa wisyo ang trabaho dahil para na lang akong remote control. Nagtatrabaho pero ang isip nasa Pinas. Yun lang kuya sead. Shinare ko lang kasi walang mapagsabihan at ayokong mag-alala pa yung pamilya ko sa Pinas. Salamat Kuya sead.

Wala na kasi mapagsabihan kuya sead dahil kapag kinuwento pa sa pamilya lalo lang sila malulungkot.

Nakakalungkot basahin at isipin ang mga ganitong sitwasyon. Uu may mga successful naman na na gumagawa ng crew change pero hindi lahat nabibigyan ng maayos na proseso at at nagkaroon ng maayos na crew change. Kaya para atleast makatulong tayo sa mga seafarers na lampas na ang kontrata nila at lampas lampas na sa kontrata, the only thing na maitulong natin sa kanila ay mga comforting at encouraging words para kumapit pa sila at lumaban pa sa kanilang dinadamdam.

At para ma comfort natin sila, binibigyan ko sila ng mga words ko:

Basta Sir isa lang gusto ko sabihin sayo. Malakas namans siguro paniniwala mo sa diyos di ba? Kung anong nangyayari sayo ngayon Sir lahat yan plano ni God for you may rason lagi ang lahat bakit humantong ka sa ganyan.

Maybe baka God wants to protect you from danger, baka ang pag uwi mo ikaka disgrasya mo pa or mapapahamak ka. Kaya try to think bakit yan nangyari sayo at ano ba plano ni God for you.

Kung kayo ang nasa kanilang sitwasyon, anong gagawin nyo to uplift yourself? At kung magbibigay ka ng payo at comforting words sa kanila, ano ang sasabihin nyo?

In this frustrating situation, I hope that our government, manning agency will take a serious look on this situation to at least give them assurance on how they can survive and fight for mental stress and depression in this times of disappointments.

My personal opinion for this is maybe ITF, ILO, MLC can press their member-states to consider giving seafarers (with overdue contracts) additional benefits in terms of compensation, fewer working hours, more welfare fund items, and make sure their mental health and emotional well-being are taken cared of.

For all of you who are reading this, what are your best suggestions in this kind of scenario and how can we help people onboard who are suffering from this situation?

%d bloggers like this: