My Dream came true

My dream came true
My dream came true

My Dream came true:

Hello po sa lahat ng mga mahal naming followers at sa lahat ng mga kabaro nating nasa ibat ibang panig ng mundo.Take time to read this:) Mahaba pero worth it.

Ito ang kwento sa likod ng article nayan…. Ni isa walang naniniwala sakin na makakasakay aku ng barku international pa. Sabi nila masyado akung mayabang. Maliit aku, babae pa. kya walang akung pag asa daw makasakay. Madami ding shipping company ang tumangi sakin kc nga babae daw aku matindi ang discrimination sa mga babaeng seafarers nakranas din aku ng pang iinsulto ng subra, pambabastos at mga malalaswang salita sa kalaw kung saan ang tambayan ng mga MARINO.

Piru bago yan, matindi na ang karanasan ku sa mga bagay nayan nung nag aaral palang aku. Sa school namin kung saan aku nag aaral, tuwing my pumupunta na shipping company para kukuha ng mga cadets nag papa-exam sila, nag hahanda aku ng subra sa mga panahun nayun. Kasu pagdating ng examination sinbasabihan aku na hnd kami tumatanggap ng babae. So, ang ginagawa ku aalis nalang aku, mahirap na makaabala sa mga nag e exam. sa isip isip ku darating ang araw makakasakay din aku international pa…. yan talaga ang pumasuk sa isip ku hehehe nakakatuwang isipin sa tuwing naaalala ku. At sabi ku rin darating ang araw may lalaking lalapit sakin, na sabihin sakin na, halika dito ka saamin mag apply. Sa mga panahun nayan nabuo ang 1 % na PAG-ASA sa puso ku. Lumipas ang mga panahon hangang makatapus ng pag aaral. Pumunta aku ng maynila para tuparin ang mga pangarap ku. Pagdating ku sa manila ang hirap talaga ng buhay dito, noon paman alam ku nayun, ayun sa mga naririnig kung mga balibalita sa mga kakilala ku, na talagang mahirap ang buhay sa maynila. Piru hnd kuna alintana ang hirap ng buhay dahil sanay naman aku sa hirap. 2 months akung tambay walang trabahu. Nag apply aku sa food chain kc may experience aku doon kya sinubokan ku mag apply kasu ni isa walang tumanggap. Sabi ku sa isip ku Lord kung ang kaluob mo ay sumakay aku ng barku bigyan nyo ku ng palatandaan. May ka batch aku nag work sa OMARSOFT computers. Ngayun kung tawagan aku ng boss nya para subukan mag trabahu sa kanila ibig-sabihin kaluuban nyo Lord talaga ang maging seawoman aku. Ang OMARSOFT computers ang gumagawa ng mga program pam barku mga computation ng Voyage planning trim and stability at iba pa. Sa madaling salita related sya sa profession ko. Hind sana aku tanggapin ng may-ari ng OMARSOFT kc nga daw babae aku. Ngunit sinabi sa kanya ng kapated nya bigyan man lang aku ng chance subukan. Kya ayun natanggap aku. Ang trabahu ku sa kanila sa OMARSOFT ay magbinta ng program sa kalaw at kung saan saan pa may mga seaman. Most of the time nasa kalaw aku. Duon aku nag dedemo ng program madamidami din nakakapanuod at nakakapansin dahil talagang madaldal aku at makapal ang mukha hehehe yan ang secreto ku para mabuhay…. So far naman madami din akung nabinta…. Lumipas ang ilang buwan sa taon ding yun….may mga nag iimbita na sakin na mag apply sa company nila kasu hnd ku pinapansin kc parang naka focus na aku sa trabahu ko at kadalasan baka sa office lang aku paupuin yun ang nasa isip ku kya hnd ku pinapansin. Isang araw may lalaking lumapit sakin iniimbitahan nya aku para pumunta sa office nila kc nga daw gusto daw akung makilala ng Port Capt. Nila kasu hndi ku sya pinapansin sa isip ku kc niluluko lang aku ng mga ito.

Lumipas ang buwan at araw. Hnd ku napansin. Muli uli syang lumapit sakin sabi nya sigi na sumama ka muna sakin kc gusto ka makilala ng Port Capt. Namin kahit sandali lang. Hindi parin aku nag apply sa kanila o sumama sa kanya… Hind ku na napansin kung ilang besis na nya akung nilapitan ngunit sa huling pagkakataon, nung huling pakiusap nya sakin na pumunta aku sa office nila para makausap yung port capt. Nila. Ito ang sinabi nya Daisy paalis na aku pls. punta tayu ng office kahit 15min. lang. Hnd ku sya pinansin, sabi nya o sigi 10min lang malapit lang yung office namin o yun lang nakikita muyan? Hnd ku parin sya pinansin kc at that time kasama ku ang isa sa mga boss ku sa kalaw kya nahiya aku na iwan ang boss ku. At ito ang huling pakiusap nya Daisy pagbigyan muna aku kahit 5min nalang pls. gusto kalang makausap ng Port Capt. Namin. Dahil sa pangungulit nya nagpaalam aku sa boss ku sabi ku sir pwede pagbigyan kulang ang pakiusap nya kc matagal na talaga nya akung gustong dalhin sa Company nila gusto daw akung makausap ng Port capt. Nila. So pumayag naman ang boss ku. Hindi ku alintana o napansin yung 1% na (HOPE) PAG-ASA nung nag aaral palang aku ni hnd pumasuk sa isip ku. Doon kulang naaalala nung nasa barku na aku.Na ngyari na pala yung hiniling ku sa PANGINOON. Noong nag-aaral palang aku. Na may lalaki na lalapit sakin na doon aku sa company nila. Kya napaiyak aku ng subra lubos ang pasasalamat ku sa DIOS sa panahon nayun at mapahanggang ngayun. At nakakatawang isipin sa haba ng panahon hind nakakalimutan ng Panginoon ang mga hinihiling mo. Kya para akung lumulutang sa hangin.heheehehe subra saya ko noon.. Sa araw pala nayun noong kinausap na aku ng port capt. Nila ang sinabi lang sakin may PAG-ASA sabi ni CAPT. ALBERTO hnd aku nangangaku piru may pag-asa….tawagan kanalang namin ha? At yun ang ng yari. Bumalik aku ulit sa kalaw balik sa trabaho patuloy ang buhay hehehe…..hnd narin aku umasa kung anu man ang kahihinatnan ng aming pag-uusap at that time. Basta ang alam kulang sa kaibuturan ng aking puso ang Dios lang nakakaalam ng lahat at ipinaubaya ku sa kanya ang lahat. Sabi nga sa biblia sa,

KAWIKAAN 16:3 Ipagkatiwala mo kay YAHWEH ang iyong gagawin, at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin.

Awit 16:5 Ikaw lamang Yahweh ang lahat sa aking buhay, lahat ng kailangan koy iyong ibinibigay kinabukasan koy nasa iyong mga kamay.

Lumipas ang ilang buwan sa taon ding yun tinawagan nga nila aku at my interview daw aku yung principal daw ang kakausap sakin. Nung kausap kuna ang Port Capt. Ng principal na taga Greece. Tinanong nya aku. Kung sa salitang Filipino sabi nya, bakit ito ang gusto mong profession why? Why? Why? Sakayabangan ku sinabi ku na “ I want to become the first Filipina Capt. Of world sir! It is really my dream. Natuwa sya 2 thumbs –up pa! tapus sabi nya I like, I like…. In short nagustuhan nya ang kayabangan ku ….hehehehe…..sa kaibuturan ng puso ku sinabi kurin na “ I want to prove to them, to all the people who turns me down and they don’t believe in me, that all things are possible in GOD. So make the story short natangap nya aku. The 3rd time na pina report aku ulit interview nanaman isa pang principal ulit ganoon din halos ang tanong, ganoon din ang sagot ku. Tapus, hnd ku expected na yung pag welcome sakin nung huling nag interview ay pasasakayin na pla nila aku at that time. Ang akala ku kc mag utility pa aku sa office nila, yun pla diritcho na aku onboard. Subrang saya ku kc sa isip isip ku noon pag nag utility aku noon san aku titira, paano yung kakainin ku, pamasahi ku e syempre aalis aku sa OMARSOFT para mag trabahu na sa kanila. Ngunit matalino talaga ang DIOS hinanda nya talaga ang lahat para sakin…..Hind na aku dumaan as utility cadet. Automatic onboard aku agad as DECK CADET. Hangang sa pagdating ku sa barku hinanda PANGINOON ang lahat para sa akin. Kahit na may mga pagsubok na dumaan sa panahong yun, hnd naman talaga nawawala ang mga pagsubuk sa buhay, kya ni minsa hind aku iniwan ng DIOS. Purihin ang DIOS, Purihin si Yahweh.

Lubos ang papasalamat ko sa PANGINOON sa lahat ng kanyang ginawa,kadakilaan sa walang hanggang pag mamahal nya sakin…at nag papasalamat din aku sa ALLSEAS MARINE S.A AND CREWCARE INC. sa pagtitiwalang binigay nila sakin sa panahong nasa kanila aku. GOD BLESS ALWAYS TO THE COMPANY.

Hangang sa muli mahaba pa ang kwento ng buhay ku…

Sanay may napulot kayung aral sa kwento ng buhay ku “ A DREAM COME TRUE”

Sa tuwing nababasa ku ang article na ito, hind ku mapigilan ang mga mata ko sa pag luha. Sa araw nayan labis akuog na mamangha sa kadakilaan at kapangyarihan ng Panginoon. Ni minsan kasi sa buhay ko na, hindi ko naisip na mangyayari sa totoong buhay ang mga pangarap….talaga ngang walang pangarap ang hind natutupad, basta magtitiwala lang sa Panginoon na siyang may likha ng sanlibutang ito. The bible says in the book of Matthew 7:7-8 Ask and it will be given to you; seek and you will find; knock and the door will be opened to you. 8: for everyone who asks receives: he who seeks find; and to him who knocks, the door will be opened. Sabi naman sa Jeremiah 29:11 “ For I know the plans I have for you, declares the Lord. Plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.” Sa mga panahun nayan umaapaw ang kaligayahan ko. Hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko, napapakanta ako lagi, at naiiyak nalang bigla. Ahhh basta hnd ku maipaliwanag ang lahat sa subrang tuwa, saya, at ligaya. kasi naman sobra sobra ang binigay sakin ng Panginoon sa panahun nayan.

GOD BLESS YOU ALL , always, and more. Saludo lahat ng marinong pilipino sa katapangan mo Ma’am

 

%d bloggers like this: