SA BAWAT PAGHIGA NAMIN SA AMING KABINA

NOTE: Basahin nyo ito habang pinapakinggan ang kantang “You are the reason by Calum Scott” 😊

Titigan niyong mabuti! Kabina yan ng asawa nyong seaman, kapatid nyo, kaibigan or kamag anak. Dyan sa kabina na yan ang pahingaan ng isang marino. Pagkatapos ng mahabang araw na bugbugan sa trabaho, maalon na byahi, mainit na araw sa kubyerta or sa makina, pressure sa trabaho at pakikipaglaban sa pakikitungo sa kasamahan at buhay barko, sana sa paghiga nila, payapa ang kanilang isip at makapagpahinga sila ng maayos sa kabina na yan.

Sa bawat paghiga namin dyan, kayo ang nasa isip namin. Kung kumusta na kayo, kung maayos kalagayan nyo, kung nakakain kayo ng maayos, kung may pera pa kayo dyan. Sa bawat pagbukas namin ng cellphone namin para titigan ang mga imahe nyo, napapaluha nalang kami sa mga alaalang nabuo nung nasa Pinas pa kami. Sa mga matatamis nyong ngiti na nagpapatibay ng aming loob. Miss na miss na namin kayo.

Sa bawat paghiga namin, napapaisip kami kung anong gagawin namin sa paguwi sa Pilipinas, kung anong plano namin sa pamilya. Kung saan kami pag uwi namin, kung saan namin i treat ang pamilya namin. Kung paano namin susulitin ang mga araw para makapag bonding at makabawi sa mga panahong wala kami. At higit sa lahat kung paano namin pagkakasyahin ang perang maiuwi namin.

Sa bawat paghiga namin, lalo na sa mga nasaktan sa pag ibig at iniwan ng mahal sa buhay, di namin mapipigilan na mapapaluha nalang at umaasang sanay maibalik ang lahat, maibalik ang magagandang alaala at muling makita sya at mayakap. Mga panahong masaya kami at mahal namin ang isat isa, mga panahong andyan ka para kachat namin habang nasa barko kami, panahon na pag gising namin, mensahe mo sa chat ang aming nababasa, mga “Good morning” , “kumusta ka” , “ingatan mo sarili mo kasi gusto pa kitang makita pag uwi mo , mga matatamis na “I love you” at “I miss you” , pero lahat yun alaala nalang kasi wala na tayo. Mahirap sa isang seaman na bitbit ang sakit at pagdaramdam sa hiwalayang hindi makatarungan. Mahirap pero kakayanin. Matapang naman daw kami.

At sa bawat paghiga namin, di namin alam kung anong mangyayari bukas. Kung anong naghihintay samin. Na sanay safe kami parati at gabayan kami ng Panginoon kung saan man kami mapunta at ingatan ang aming mga mahal sa buhay.

Sana sa paghiga nyo rin, huwag nyong kalimutan ipagdasal at alalahanin ang bawat Seaman na kilala nyo. Kailangan din namin ng dasal nyo at pangungumusta. Safe sailing sa lahat ng mga Marino na naglalayag ngayon sa buong mundo. God bless! Matatapang tayo at kasama natin sa paglalayag ang Diyos!

%d bloggers like this: