Sino nga ba si Kuya SEAd?

Naniniwala ako na ang pagbabarko ay isang masalimuot at napakahirap na propesyon. Kaya naisipan kong gumawa ng charity projects lalo na ang pagtulong sa mga Marino at OFW at pagbibigay ng mga tips, tutorials, how-to-videos, advice, interviews at kaalaman tungkol sa karapatan ng bawat Seaman o OFW.

Cidreck Lued O. Ferol ang totoong pangalan ko at tinatawag ako na “Kuya SEAd”. Isa akong Seaman na nagbabarko na ng mahigit limang taon. Ang “SEAd” ay kinuha ko sa first 3 letters ng pangalan ko na CID. SEA na dagat sa tagalog at dinagdagan ko ng “d” sa dulo. Kaya kung babasahin mo “CID” padin dahil yan ang palayaw ko.

Ang hilig ko sa buhay ay magsulat ng mga success stories, mag document, mag vlog at gumawa ng TIPS at solusyon sa mga kadalasang problema sa barko. Passion ko ang makatulong ng walang ini expect na kapalit.

Isa akong emosyonal na tao pero palaban sa karapatan ko. Isa akong tahimik na nilalang pero vocal pagdating sa pagsasabi kung ano ang tama sa mali lalo na sa propesyon ng pagbabarko. Hindi ko tinotolerate ang mga Seaman na may attitude at yung mga balasubas at pangit ang ugali kasi sila ang magiging pabigat sa mga Seaman pag nasa barko na sila. Lalo na sa mga kadete at nagsisimula pa lamang.

Isa sa mga projects ko ang #PROJECTSISEAD kung saan naka focus ito sa mental health and fighting depression sa barko. Kasama sa projects nato ang pagbigay ko ng suport sa paggamit ng MARINA MISMO lalo na sa hirap mag process at intindihin ang kalakaran nito.

Hindi perpekto ang buhay pagbabarko ko. Dumaan din ako ng mapapait na karanasan at pang aabuso sa barko. Muntik na akong mahulog sa barko at naabuso ng ibang lahi nung nagsimula palang ako mag barko. Pero sa awa ng diyos, buhay pa ako at lumalaban sa mga pangarap ko na maging Kapitan balang araw.

Lahat ng ginagawa kong pagtulong sa kapwa ko MARINO ay LIBRE at walang bayad. Kahit mauubos ang oras pahinga ko basta matugunan ko ang nangangailangan sa akin sa abot ng aking makakaya. Kaya ang motto ng advocacy ko ay “SHARE POSITIVE VIBES ONBOARD” at sanay nakatulong kahit papano ang mga binibigay kong tips and advices.

Kaya sa lahat ng mga nagbabarko or yung mga OFW,  bawat problema ay may solusyon. Tandaan nyo parati na kung saan kayo ngayon, kung sino kayo ngayon, kung anong meron kayo. Lahat yan ginusto nyo.

Kaya #labanlang mga KaSiSEAd!

-Kuya SEAd