The story of couple seafarers and how they survived LDR.

The story of couple seafarers and how they survived LDR
The story of couple seafarers and how they survived LDR

The story of couple seafarers and how they survived LDR:

Kagagaling ko lang sa officer’s seminar ng company sa batangas noong una kami nagkita ni melody. Ipinakilala sya sakin ng isang kaibigan ko na naging kasama nya sa yate at kabababa nya lang din noon.

Noong una di pa masyadong seryoso at di ko rin naisip na kami pala magkakatuluyan kasi parang ang hirap dahil nga pareho kaming nagbabarko. Madaming struggle at hindi naging madali. May mga time din na halos masira na relasyon namin. Pero siguro kung kami ay kami talaga. Siguro mas binigyan lang namin ng halaga na mahal namin ang isat isa kesa isipin na magkalayo kami.

Di madali pero nalampasan din namin ang mga pagsubok hanggang bumuo na kami ng pamilya at nagkaron na nga kami ng anak na syang lalo pa nagpatibay ng aming relasyon. Napakahalaga ng communication samin kaya kapag may pagkakataon nagvivideocall kaming tatlo, anak namin nasa pilipinas, si misis nasa dubai at ako naman nasa new zealand, kung iisipin sobrang layo namin sa isat isa pero parang magkakaharap lang kami. Basta may internet lang pwede na.

– Jebb Jeubern and Melody Bitoonon

At sa ngayon kasi maiksi na lang ang kontrata at sabay pa ang bakasyon namin. Pareho kaming 4 months sa barko then 2 months bakasyon. At sa case pa kasi ng asawa ko pwede sya magadjust ng uwi nya kaya sinasabay namin ang bakasyon halos isa o dalawang linggo lang pagitan ng uwi namin kaya halos buong bakasyon magkasama kami. Maiksi lang ang bakasyon kaya sobrang sinusulit talaga namin. Madaming nagtatanong bakit pati sya sumasakay pa. Gusto nya kasi tumigil kami ng maaga sa pagbabarko kaya sakripisyo lang muna ng ilang kontrata para makaipon. Tsaka maiksi lang din naman kasi ang kontrata at may internet naman na ngayon sa barko kaya hindi na ganun kahirap di gaya ng dati. Malaki lang epekto lalo na sa anak namin kaya pinaplano na rin namin na titigil na sya sa pagbabarko para magfocus na lang sa bata.

%d bloggers like this: