What are your Achievements?

What are your Achievements
What are your Achievements

What are your Achievements?:

Please take your time to read such lengthy post.

Someone approached me about some school matters. She said she needed some help with her report. She has then asked me a few questions about a certain topic, in which I have answered to the best of my knowledge. After all the queries, she asked me this final question: “What are your achievements?”

Napaisip ako bigla…. Anu nga ba? Then i’ve replied with another question: “Anu ba yung basis mo ng achievements? Parang ang broad kasi”. She then replied with “For example po ‘Educational Attainment’, mga ganun po”. I was confused, but I adhere to her request. “Ahhh ganun ba, uhhhm College Graduate lang po, BSMarE. No special achievements with regards to education”.

Then parang napatanong ako sa sarili ko na, kailangan bang may mataas kang napag-aralan para lang masabi na tama ang opinyon mo? And kung achievements ba yung pag-uusapan, di pa ba sapat yung nalampasan mo lahat ng dagok ng buhay na binato ng Diyos sayo? Pwede rin kayang ilagay sa achievements yung “I literally came from the slumps and now I can buy anything I want and go wherever I want to go? Or I almost give up due to poverty and scarcity of food back then but I have managed to find a way out of it, I have managed to conquer life?” Di ba parang mas magandang achievement yun? Yung tipong alam mo sa sarili mo na marami kang nalampasan na hirap, na iginapang mo ang sarili mo, na hindi ka umapak o gumamit man ng kung sino mang tao para lang umangat ka, na hindi ka sumuko kahit hirap na hirap na, na lumaban ka pa kahit pakiramdam mo patapos na ang laban mo.

Ba’t kasi kapag tinanong tayo ng kung anu ang narating natin, ang ineexpect kaagad natin na sagot ay edukasyon at estado sa buhay? Di ba pwedeng malayo na ang narating ko sa sobrang daming hirap na nalampasan ko?

Kasi sa totoo lang, daig lahat ng kwento sa MMK sa kwento ng buhay ko. Pero alam ko din naman na may kanya-kanya tayong kwento sa buhay, may kanya-kanyang hirap, may kanya-kanyang pinagdadaanan. Pwede ba nating ilagay yun sa list of achievements natin?

Pero siguro kahit hindi pwede, alam naman natin sa sarili natin kung anu yung mga narating natin at nalampasan natin. Ang importante lang ay lumaban tayo at nalampasan natin kung anu man yung mga dagok na binigay ng nasa itaas. At sana ay patuloy nating harapin ang mga pagsubok sa buhay ng may halong ngiti at pagkilala parin sa nasa itaas.

Mabuhay po tayong lahat. 

-Carl Mark Escuadro
BSMarE
Achievements:
Nanggaling sa isang pamilyang isang kahig isang tuka.
Broken family, walang nanay, at halos di kayang pag-aralin ng tatay.
12 kaming magkakapatid na puro panganay pero apat palang nakikita ko. 
Nangarap.. 
Nakakuha ng IT full scholarship sa probinsya.
Nainlove, nagdecide na walang future sa province.
Nag PMA, na broken, umalis.
Nag MAAP, nagtinda ng kung anu2 na paninda sa loob ng school kahit bawal at pwedeng ikatanggal para lang may pang sustento.
Naging seaman.
At 3rd engineer na sa Maersk sa kasalukuyan.
Proud na gumapang mula sa lupa papunta sa kung nasan man ngayon.

So how’s that for the list of my achievements? 😊

Mangarap at subukang tuparin ang mga pangarap. Walang imposible sa taong may pangarap at dedikasyon. 😊

#Seamanunulat #SeamanunulatCares

%d bloggers like this: